Local News

Warehouse na Nagho-Hoard ng Medical Supplies, Sinalakay ng Gobyerno!

Hindi na nakaporma ang isang van na nagbababa ng mga medical supplies sa isang warehouse Makati nang mapaligiran ito ng mga kawawni ng National Bureau of Investigation (NBI).

Natuklasan sa loob ng warehouse ang mga kahon-kahon ng mga medical supplies tulad ng face mask, surgical gloves, thermometer at iba pa.

Nakasagap ang NBI ng intelligence report patungkol sa pangho-hoard ng supplies.

“Nakitaan namin na may substantial quantity sa loob ng mga face masks na kung ‘yun ay naibebenta sa merkado o publiko dapat hindi ganun karami ang naka-stock sa kanila,” sabi ni NBI NCR Agent on Case Atty. Yuri Beltran.

Ayon sa opisyal ng kumpanya na nagsu-supply ng mga medical commodities, kumpleto ang kanyang mga kargamento ng mga dokumento at nakaimbak lang daw ang mga ito sa bodega pero ide-deliver din daw sa mga tindahan.

“No way! I’m not hoarding at all. I’m selling everyday. It’s going to Bacalod, Cebu, Bambang, Quezon City, I’m going to different places,” paliwanag ni New Life Pharma Inc. General Manager Ram Sehwani.

Base naman sa pahayag ng bantay bayan, noong nakaraang araw pa raw ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga kargamento sa naturang warehouse.

Nanawagan naman ang NBI sa publiko na makipagtulungan para mahuli ang mga nangho-hoard ng medical supplies.

“Makipagtulungan naman kasi kawawa naman. Nagkakaroon ng scarcity sa face masks. Tapos makikita namin dito kahon-kahon (ang mga medical supplies),” panawagan ni Atty. Beltran.

Ang importer ay inimbitahan na sa NBI para magpaliwanag patungkol sa mga kargamento nito.

Kahapon ay nagbabala ang MalacaƱang sa mga horders.

“The Office of the President hereby gives warning to those hoarding vital commodities, which create a hike in the prices, as well as selling them beyond their regular prices, that their actions will be dealt with accordingly in pursuance of public safety and order… The Office of the President hereby gives warning to those hoarding vital commodities, which create a hike in the prices, as well as selling them beyond their regular prices, that their actions will be dealt with accordingly in pursuance of public safety and order,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Source: ABS-CBN | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén