Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Warfreak Doctor na Nagmura-mura sa kapwa Motorista, Ipatatawag na sa LTO!

Kanina lang ay kumalat ang video ng dalawang motorista na nagtatalo. Kapansin-pansin ang tisoy na driver kung paano nito murahin ang driver ng L300. Pati ang asawa ng driver ay hindi nakaligtas sa panghahamak nito.

Base sa ilang ulat, lumabas na isa palang doktor ang warfreak na driver. Kinilalala ito na si Doctor Tomas Mendez.

Ayon sa opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na si Assistant Secretary Goddess Libiran, inilapit niya na sa Land Transportation Office (LTO) ang insidente.

“Ni-report ko na po siya sa LTO at ang sagot po ni Asec. Galvante ay agad-agad na isu-summon nila ‘yung driver. Inalam nila kung ano ang identity,” sabi ni DOTr Asec. Libiran.

Para kay Asec. Libiran, hindi na dapat bigyan ng lisensiya ang naturang driver dahil maaari daw itong makapahamak ng kapwa motorista.

“Kung ako, judging from what I saw from the video, kung ako ang tatanungin ‘diyan, hindi na dapat bigyan ng lisensiya ng ganyang klase ng mga tao. Pag kayo ang nagmamaneho dapat marunong kayo mag-control ng temper. Isipin niyo na lang kung paano may hawak na armas iyan, konti gitgitan sa kalsada baka makapatay iyan,” paliwanag pa ni DOTr Asec. Libiran.

Nananawagan din ang DOTr sa ibang mga ahensiya na gawan ng kaukulang aksyon ang doctor.

“Kami po ay nananawagan rin sa iba pang ahensya ng pamahalaan katulad ng Professional Regulation Commission at pati na rin sa Philippine Medical Association na kung maari po ay aksyunan ang insidenteng ito bago pa lumala ang sitwasyon o problema… Sa mga panahon po na tayo ay biglang ma-involve sa isang traffic incident, huwag po sanang pairalin ang init ng ulo at umabot pa sa punto na tayo ay makikipagmurahan, manlalait, o mananakit ng ating kapwa, pahayag ng ahensiya.

Naririto po ang video ng kumprontasyon sa pagitan ng doctor at driver ng L300.

Nahalungkat din ang isang video ng doktor habang nakikipag-away sa iba pang motorista.

Source: Philstar | Radyo Pilipinas 738

Leave a Reply

Theme by Anders Norén