Local News

Watch! 11 Grade 9 Students, Nahuling Sama-samang Nagdo-droga!

Matapos mag-cutting classes ang 11 grade 9 students ay nahuli ang mga itong nagpa-pot session sa lungsod ng Makati. Ayon sa ulat ng GMA News, nahuli ang kabalastugan ng mga estudyante nang may magreklamong kapitbahay dahil sa pag-iingay ng mga ito. Bumungad sa mga pulis at tanod ang amoy ng marijuana sa tinatambayang lugar ng mga estudyante sa Barangay Southside.

“Nagresponde ang mga Bantay Bayan kasama ang ating mga pulis, pagdating don, pagbukas ng pintuan, nadatnan ang mga kabataan na nangangamoy marijuana,” pahayag ni Makati Police Senior Inspector Gideon Ines

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, natuklasan nila na ang ama ng grade 9 student na nag-host ng pot session ay kasama sa drug watch list ng kinauukulan. Nangatwiran ang binatilyo at sinabing hindi niya raw alam ito.

“Wala akong alam dun, sir. Wala naman sinasabi papa ko sa akin,” sabi ng binatilyo.

At dahil sa underage pa ang mga binatilyo ay dadalhin muna ang mga ito sa social welfare department.

Natatandaan niyo ba ang sinabi ni Hontiveros noong kasagsagan ng isyu tungkol sa pagpapababa sa edad ng criminal liability ng mga kabataan?.

Basahin ang reaksyon ng ilan nating kababayan sa balitang ito.

“Hindi rason na minor sila nag aaral mga yan im sure napag aralan nila ang tama sa mali..kaya nga mabuti lng na my criminal liability at age of 9 para hindi na sila tuluyang mawala sa landas.” sabi ni L. Alombro.

“oh dba yn ung ayaw nio n ibaba ung edad ng criminal ages ng mga bata eh kitang kita nman n khit bata p marunong n s mga bgay n kalokohan.” sabi ni C. Urbina.

” O, wag na naman sabihin na hindi pa nila alam na mali at bawal yan ginagawa nila…! Minors nga sila but they already know what is right & wrong…! Wala sa edad ang pagiging isang criminal…! “ sabi ni R. Montemayor.

Source: GMA | Hontiveros

Leave a Reply