Local News

Watch! 16 Katao na Nagbabanda sa Kalsada, Naararo ng Kotse!

Kaawa-awa ang nangyari sa mga miyembro ng banda sa Bacoor, Cavite nang maararo sila ng isang kotse habang naglalakad sa kalsada. Ayon sa ulat, nagbabanda umano ang mga ito upang magising ang mga tao para mag-simbang gabi. Ang driver ng kotse ay aminadong nakatulog dahil sobrang haba ng oras sa trabaho sa isang hotel. Humingi na ng kapatawaran ang driver ng kose at tiniyak na tutulungan ang mga biktima niya. Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injury at damage to property ang driver.

Nagbigay paalala naman ang Bacoor police sa mga motorista.

“Kung alam niyong antok na, humanap kayo ng lugar na safe at huwag naman sa madilim. Doon kayo at itulog niyo muna,”pahayag ni Bacoor City Police Chief Supt. Vicente Cabatingan.

Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa nangyaring pagkakasagasa sa mga miyembro ng banda.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply