Local News

Watch! 2 Lanes sa Skyway Extension ng Northbound Section, Binuksan na ng San Miguel Corp! 4-Km Toll, Libre!

Magandang balita mga kababayan!

Binuksan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang dalawa sa tatlong lanes ng Skyway Extension ng northbound section. Ayon sa pribadong kumpanyang SMC, pansamanatala umanong libre ang toll para sa 4-km segment ng nasabing lanes.

We are confident that this will further reduce congestion along EDSA and usher growth to provinces in Southern Luzon and beyond,” saad ni Ramon Ang, President at Chief Operating Officer ng SMC.

Ayon sa SMC, binuksan sa Class 1 vehicles na may RFID ang four-kilometer stretch mula Susana Heights hanggang Sucat, Paranaque nitong nakaraang Linggo, Abril 11, 2021, 4:00pm. Marso nang matapos ang istruktura at paglalapat ng aspalto sa nasabing ekstensyon.

Bibigyang-daan o direktang koneksyon ng naturang northbound section ang elevated Skyway System para sa mga motoristang magmumula sa ilang probinsiya gaya ng Cavite, Laguna, Batangas nang hindi na kinakailangan pang daanan ang kahabaan ng Alabang. Sa pamamagitan nito, maaari na umano silang dumiretso sa kanilang mga patutunguhan sa Maynila, Quezon City, Makati at hanggang sa North Luzon Expressway gamit ang Skyway Stage 3, kung sila ay magmumula sa South Luzon Expressway.

Samantala, ibinahagi naman ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa kanyang social media account ang isang video kung saan makikitang tinatahak ng kanyang sasakyan ang kabubukas lamang na northbound section ng Skyway Extension. Nilapatan niya ito ng hashtags na #BuildBuildBuild

Enero nang inanunsiyo ng SMC ang ukol sa Skyway Stage 3, isang proyektong magdurugtong sa South Luzon Expressway (SLEX) at North luzon Expressway (NLEX). Sakop ng nasabing proyekto ang pagbuo ng isang 18.83- kilometrong elevated expressway mula Buendia, Makati City hanggang NLEX sa Balintawak, Quezon City. Layunin ng nasabing proyekto na paiiksin ang biyahe sa pagitan ng Buendia at Balintawak nang 15 hanggang 20 minuto, na karaniwan nang tumatagal nang ‘di bababa sa dalawang oras.

Ang San Miguel Corporation ang parent company ng CITRA Central Expressway Corporation (CCEC), na nakakuha ng P44.86-billion Skyway Stage 3 Project.

Sakaling mabuksan at maging operasyonal lahat ng lanes sa ilalim ng nasabing proyekto, malaking tulong ito sa mga kababayan nating motorista upang mabawasan ang oras na ginugugol nila sa biyahe, lalo na ngayong nasa gitna ng pandemya ang ating bansa at masasabi nating bawat minuto ay mahalaga para sa pamilya.

Source:
Mark Villar Facebook Page
Mark Villar Facebook Post
GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén