Local News

Watch! 4 Kidnappers, Todas ang Inabot!

4 kidnappers ang napulbos matapos hindi tumigil sa checkpoint ng kapulisan at nakipagbarilan pa sa mga alagad ng batas. nangyari ang insidente sa may Capitol Hills St. corner Zuzuarregui St. sa Barangay Old Balara, mga ala-1 ng madaling araw.

Ang mga napatay na mga suspek ay miyembro ng Wilbert G Bonilla kidnap-for-ransom group.

Nailigtas naman ng awtoridad ang 2 lalaking dinukot ng mga kidnappers. Ang mga biktima ay mga empleyado ng isang construction company.

Nakuha mula sa mga suspek ay mga iba’t ibang uri ng baril, mga bala, at mga pakete ng shabu.

“However, upon seeing the established checkpoint, the suspects suddenly made a left turn…and sped off in an attempt to escape,” sabi sa police report.

Itinuturing ng PNP Anti-Kidnapping group na notorious ang grupo dahil sa pagkakasangkot sa kidnapping sa Luzon

Source: GMA News | Manila Bulletin | PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén