Local News

Watch! 65-Anyos na Filipina-American, Biglang Sinuntok at Pinagsisipa!

Isa na namang Pilipino ang biktima ng anti-Asian attacks sa Estados Unidos. Ayon sa ilang ulat, naglalakad lang ang 65-anyos papuntang simbahan ng bigla itong sinuntok ng African-American na nakasalubong nito.

Sinabihan pa raw ng salarin na “F** you, you don’t belong here” ang 65-anyos na biktima.

Base sa ulat ng ilang American media, nangyari ang insidente sa harap ng isang building na may security staff. Pero imbes daw na tulungan ng security staff ang biktima, sinaraduhan pa raw ito ng pinto.

Ang biktima ay dinala sa NYU Langone Hospital. Nagtamo ito ng fractured pelvis.

“This is absolutely vile… These attacks against Asian-American New Yorkers must end. Hate has no place here and we must always call it out when we see it… My office is reaching out to the precinct and will do anything we can to be of assistance,” sabi ni City Council Speaker Corey Johnson.

Narito po ang raw video:

Source: CBS New York | | Esquire | Rap | NYPost

Leave a Reply

Theme by Anders Norén