Local News

Watch! 70%-80% ng mga Boto sa ARMM, PINEKE ayon sa Ex-Gov ng ARMM! Leni, Manginginig sa Kaba sabi ni Atty. Glen Chong!

Sa panayam ni US-based pro-Duterte blogger na si Maharlika kay dating Sulu Governor Abdusakur Tan, isiniwalat ng dating opisyal na 70% hanggang 80% umano ng mga pisikal na balota ay ginamit sa pandaraya ng mga pekeng botante. Nahayag daw sa technical examination na hindi parehas ang mga lagda at thumbmark ng mga rehistradong botante sa aktuwal na lagda at thumbmark ng mga bumoto sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Ito ay isang patunay daw na ang mga botante na bumoto noong Halalan 2016 ay mga peke. Commission on Election (COMELEC) na raw ang gumawa ng technical examinations sa mga pisikal na balota mula sa ilang lugar sa ARMM at partial results pa lamang ang mga ito.

“Lumabas na ang technical examination ng Comelec, ang findings 70 to 80% ng mga pirma sa ARMM hindi tugma o peke. Hindi tugma yung thumbprints ng tunay na registered voters at saka yung mga bumoto, ganun din ang mga signatures. Kitang-kita ang pagnanakaw ng boto” pagbubunyag ni Tan.

Sa opinyon ni Attorney Glenn Chong na inilathala niya sa kanyang Facebook account, kapag napatunayan na pineke nga ang 50% ng mga boto sa ARMM, maaring mapawalang-bisa ang resulta ng eleksyon noong 2016 sa naturang lugar.

“Sa ilalim ng umiiral na jurisprudence ngayon, kapag napatunayan na higit 50% ng mga balota ay apektado ng ganitong uri ng anomalya, maaring mapawalang-bisa ang resulta ng halalan. May malaking epekto ito sa protesta ni BBM laban kay Leni Robredo. Dahil 70%-80% ng mga bumoto ay peke o “multo… maari itong mapawalang-bisa. Dahil malaki ang panalo ni Leni Robredo sa mga lugar na ito, kapag nakaltas ang mga botong ito sa official tally, malaking boto ang mawawala kay Leni Robredo. Baka ma-overtake na siya ni BBM dito pa lang sa mga lugar na ito. TIYAK MANGINGINIG SA KABA SI LENI ROBREDO SA BALITANG ITO!” pagbubunyag ni Tan.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang nating kababayan sa pagbubunyag ni former ARMM Governor Tan.

Source: Maharlika | Atty Glenn Chong

Leave a Reply

Theme by Anders Norén