Local News

Watch! 9-Anyos, Na Gang-Rape! Tiyuhin pa ang Pasimuno! Hinayaan pang gahasain ng mga katrabaho niya!

Kaawa-awa ang sinapit g isang 9-anyos na babae sa kamay ng kanyang tiyuhin at 5 construction worker nitong Martes ng gabi sa bayan ng Argao sa Cebu City.

Base sa paunang imbestigasyon, dinala daw ng tiyuhin ang pamangkin sa lugar kung saan nagta-trabaho ang mga kapwa niya construction workers. Nagdala pa daw ng mga dahon ng saging ang tiyuhin ng biktima para dito ipahiga ang bata. At dito na halinhinan ng ginahasa ang paslit. Huminto lang daw ang mga salarin nang nagdugo ang maselang bahagi ng biktima.

“Umiiyak ang biktima. Nagsumbong at nagpunta sa police station,” sabi ni Desk Officer ng Argao Police Station na si POw3 Roy Repolidon.

Umamin ang tiyuhin ng biktima na hindi ito ang unang pagkakataon na ginahasa niya ang bata. Tumangi naman ang ibang suspek sa akusasyon laban sa kanila.

SObrang sama ng loob naman ng ama ng biktima sa nangyari sa kanyang anak. Lalo ng malaman niya na ang isa sa mga suspek ay ang tiyuhin nito.

Sumasailalim na sa trauma intervention ang biktima at nasa pangangalaga na ng local social welfare ng Argao.

Source: GMA | MB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén