Local News

Watch! Actress Ivana Alawi, Mahaharap sa Kaso?

Sa kaniyang pinakahuling Youtube Video, sinabi ng aktres na si Ivana Alawi na handa siyang harapin ang mga legal issues na may kaugnayan sa street prank na kaniyang ginawa.

Magugunita na sinuklian ni Alawi ng pera ang mga taong nagbigay ng limos sa kaniya habang nagpapanggap siya na isang “homeless person” sa March 14 Youtube vlog.

Ayon sa aktres, ginawa niya raw ang nasabing prank upang maranasan ang buhay ng mga kapos-palad at gusto rin daw niyang tumulong.

Kahit na maganda ang intensyon ni Alawi ay binatikos ito ng ilang netizens dahil sa paglabag umano sa Anti-Mendicancy Law of 1978.

“Presidential Decree No. 1563. Ano ang batas na ito? Ayon sa batas na ito, mahigpit na ipinagbabawal ang PAMAMALIMOS AT MAGPALIMOS,”

“Presidential Decree No. 1563 or Anti-Mendicancy Law which prohibits begging or soliciting charitable donations by the poor and other religious organizations on the streets. Giving alms to beggars is also prohibited by law. Giving alms to beggars is also prohibited by law. Her intention is good, but it creates an impression that begging is normal. It may give hope to other beggars that another star/vlogger/influencer would do the same and wait for their luck,”

Nanindigan naman ang aktres sa kaniyang ginawa at handa siyang harapin ang mga kaso kung may magsasampa.

“Kung may nalabag akong batas, ‘di kasuhan na lang nila ako. Haharapin ko ‘yon. Lalaban ako… Ang intention ko was to just help out and to inspire people. Wala akong tinapakan na tao, wala akong nasaktan na tao, and masaya ako sa video. I would do it again,” sabi ni Alawi.

Source: INQ | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén