Local News

Watch! After 15 Years Delay, Panglao-Bohol Airport Binuksan na ng DU30 Govt sa loob lang ng 2 Taong Panunungkulan!

Binuksan na ng Duterte Administration ang kauna-unahang “Eco-friendly” Airport sa Pilipinas, ang Panglao-Bohol International Airport. Ayon sa impormasyon galing sa Department of Transportation (DOTr), ang naturang paliparan ay environmentally sustainable structure. Ang bubong ng airport ay gawa sa solar panels na makakatulong para makatipid sa gastos sa kuryente. Mayroon din sistema ang paliparan para ang mga waste water ay maibalik muli sa kalikasan sa pamamagitan ng solid waste disposal system and waterworks system. Kaya din ng paliparan na mag-accomodate ng 2 milyon pasahero bawat taon. Ang paradahan naman ng paliparan ay kayang maglaman ng 350 na mga sasakyan.

Base sa ilan pang imporasyon, ang naturang proyekto ay 48 porsyentong delayed noong pumasok ang Duterte Administration at mula June 2015 hanggang June 2016 ay 6.48 porsyento lang daw ang naumpisahan. Kung susumahin, natapos ng Duterte Government ang paliparan sa loob lamang ng 2 taon.

“This is the kind of airport we should be building, an airport that has regard for the environment and the future generations,” sabi ni DOTr Sec. Tugade.

Ito po ang video ng pagdalo ni Pangulong Duterte sa inagurasyon ng paliparan.

Basahin ang naging komento ng mga kababayan natin sa mabilis na trbahao ng Duterte Government.

Source: Mindavote | Presidential Communications | MB| DOTr | Sec. Andanar

Leave a Reply