Local News

Watch! Baggage Handling sa NAIA, Mamo-Monitor na ng Pasahero sa CCTV!

Trending ngayon ang balita tungkol sa bagong kabit na CCTV cameras sa baggage handling area ng Ninoy Aquino Interantional Airport (NAIA). Sa pamamagitan nito ay makikita na ng mga biyahero kung paano pino-proseso ng mga tauhan ng paliparan ang kanilang mga gamit mula sa baggage carousel area ng paliparan. Ipinakabit ito ng mga nangangasiwa sa paliparan para matugunan ang reklamo ng ilang pasahero. Matatandaang naging malaking isyu noong nakaraang taon ang nakawan na nangyari sa Clark International Ariport kung saan ang bagahe ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) ay binuksan at nilimas ng ilang tauhan ng nasabing paliparan.

Ayon sa ulat, mayroon isang CCTV feed monitor sa bawat carousel sa lahat ng NAIA terminals. Ang halaga ng surveillance cameras at monitor ay humigit-kumulang 1 milyon piso.

“Ang claim ng mga pasahero na dumarating ay minsan ay binabalibag ang bagahe nila at sinasabi na tina-tamper, o may mga pagna-nakaw. Isa iyan sa mga initiatives namin na ipakita sa mga dumarating na pasahero na ang mga bagahe ay dapat i-handle ng maayos… Minsan siyepmpre ang mga tao sa baba ay minsan napapagod siguro. Hindi maayos nahahawakan ang mga bagahe, ayan ho ay made-deter ho sila (dahil) buong arrival ay nakikita sila. Isa ito sa makakatulong sa pagha-handle ng mga bagahe. Pagdating dito, punit na o bukas na ang mga bagahe, may mga ganoong pangyayari. Pero dito mami-mishandle ang bagahe, maiiwasan natin ‘yun,” sabi ni Manila Internatonal Airport General Manager Ed Monreal.

Ito po ang binabanggit namin na insidente ng pagnanakaw sa Clark International Airport na nag-viral noong nakaraang taon dahilan kung bakit kinansela ng Duterte Gvoernment ang kontrata ng MIASCOR, ang airport service provider ng paliparan.

Panoorin kung paano tinutugunan ng Presidente ang insidente.

Basahin ang ilang komento tungkol sa improvement sa NAIA mula sa mga kababayan natin.

“Nakakatuwa. Kahit hindi ako die hard ni Pres. D, hanga ako sa political will niya pati sa mga kawani niya. 1m lng pla may pagbabago na, noon billion billion ang nakukurakot wala tayo napapala. Congrats prrd,” – M. Bartosis

“Para sa mga anti digong kung labas pasok kayo ng bansa pagawa kayo ng sariling airport wag nio idaan jan mhiya nman kayo birada ng birada sa du30 administration tpos nkikinabang nman kayo sa mga nagawa nlang improvement,” – J. Abarquez

“Ok na ok yan! Pero mas ok kung tayong mga filipino marunong maghintay behind the yellow line hindi nmn lahat pero madami padin ang hindi sumusunod.,” – L. Lenamae

” Tama yan lahat naka cctv at ang mga walang pusong nagnanakaw sibak agad dahil
Kaming ofw dugot pawis, homesick ang puhunan para maibilhan ng konteng pasalubong ang pamilya,”
D. Bauzon

“dapat lng n ganyan kasi minsan sira2x n bagahe nmn nawawala p ang iba..binabayaran nmn yng bagahe nmn so dapat ingatan rin sana.pinaghirapan nmn yan s ibang bansa pra lng may maibigay s aming mga anak o mga pamilya,” – L. Bebelone

Source: News5 | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén