Matapos ang pagpapaganda sa isla ng Boracay, mukhang isusunod na ng Duterte Administration ang Baguio. Ayon sa ulat ng gma news, isa sa itinuturong dahilan kung bakit balak isailalim sa rehabilitasyon ang Baguio ay para masolusyunan ang geo-hazard at traffic sa lugar. Kasalukuyan din namang pinag-aaralan ang carrying capacity ng lugar.

“Meron pong study na 70 percent ng lugar diyan sa Baguio po, sa Benguet, ay geo-hazard kung kaya’t immediately ‘yan ang bibigyan natin ng concern at hindi na po natin hahayaan mangyari ulti ‘yung dating nangyari, ‘yung Hyatt tragedy”sabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda.

Ang tinutukoy ni Antiporda ay ang Hyatt Terraces Baguio Hotel na tinamaan ng malagim na 7.7 magnitude na lindol noong 1990, kung saan kumitil ng maraming tao.

Base sa report, wala umanong maayos na sewerage treatment facilities ang Baguio at ang karamihan din daw sa mga kabahayan ay walang poso-negro. Dumi-deretso na lang daw ang mga dumi sa ilog.

Panoorin ang kaugnay na ulat sa balitang ito.

Basahin ang naging reaksyon ng mga tao balak gawin ng Duterte Administration sa Baguio.

Source:GMA