Local News

Watch! Kakasuhan ang Barangay Personnel na Humarang sa Lugaw Delivery?

Ping-aaralan na daw ng may-ari ng lugawan na magsampao ng asunto laban sa mga tauhan ng Brgy. Muzon na humarang sa food delivery rider.

Kahapon ay kumalat ang video kung saan sinita at hinarang ng mga tauhan ng barangay ang food delivery rider na maghahatid lang sana ng lugaw. Pinipilit ng mga kawani ng barangay na hindi daw essential ang lugaw kahit na ipinapaliwanag na ng rider na ang lugaw ay pagkain at ang pagkain ay isa sa mga essential items na itinakda ng Inter-Agency Task Force.

“Bakit may Grab pa kasi? Bawal na ho tambay. Kasi hanggang bukas kayo, may taong lalabas, may magde-deliver. Non-sense, Sir. Video mo pa ako… Hindi nyo ba naiintindihan?… Essential po ba si lugaw? Hindi… Kasi mabubuhay ang tao nang walang lugaw… Edi sana lahat ng pagkain bukas… Hindi po essential si lugaw, mabubuhay po tayong walang lugaw maghapon,” sabi ng babaeng sumisita.

Ayon sa Rider, nagpakumbaba na lang daw siya upang hindi matiketan. Giit pa ng rider, kailangan ma-orient ng maayos ang mga nagpapatupad ng enhance community quarantin para maiwasan ang kalituhan.

Nilinaw naman ng Malacañang na hindi dapat harangin ang mga delivery ng pagkain dahil kasama ito sa tinatawag na essential items.

“A video, which has been circulating online, has come to our attention. Lugaw, or any food item for that matter, is considered an essential good. Delivery of food items must remain unhampered 24/7. Huwag natin harangin sa checkpoints,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén