Local News

Watch! Panukalang Batas para Bawalan ang Pagpalo sa Bata, Pasado na sa Kongreso!

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayon na bawalan ang sinuman na magsagawa ng “marahas” na pagdidisiplina sa mga bata. Layon din nito na marespeto ang karapatan-pantao ng mga kabataan. Ang naturang panukala ay nakakuha ng suporta sa 160 na mambabatas habang 2 naman ang tumutol dito.

Hindi naman nagustuhan ng karamihan sa mga kababayan natin ang naturang panukalang batas. Ayon sa kanila, didisiplinahin nila ang kanilang mga anak ayon sa pamamaraan na kailangan. Kinastigo din ng mga netizens ang mga mambabatas na sumuporta sa panukala.

Kung kayo ang tatanungin, sang-ayon ba kayo sa panukalang batas na ito?

Source: PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén