Local News

Watch! “Bishop David”, Ginagamit ang Donasyon ng Simbahan para sa Pansarili ayon kay PDU30

Sa talunmpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng Cavite Gateway Terminal, inakusahan ng Presidente ang isang obispo na gumagamit daw ng donasyon ng simabahan para sa pansariling pangangailangan.

Hindi hayagang pinangalanan ni Pangulong Duterte ang naturang obispo pero tinawag niya itong “Bishop David” pero isa sa mga maiingay na kritiko ni Presidente Duterte ay si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

“Alam mo sa totoo lang, sabihin ko sa inyo, iyong mga offerings, iyong mga pinya, avocado, saging, saan napupunta ‘yan? Gusto niyong malaman? Gusto niyo ng video? Ibigay ko sa inyo. Doon sa pamilya niya… Ikaw, David, tumahimik ka ha. Sige ka lang hingi ng contribution diyan sa mga… Saan ang pera ng mga tao? Ang g*** sige lang hingi, may second collection pa,” sabi ng Presidente.

Umangal naman si Bishop David sa naging pahayag ni Presidente Duterte. Hindi daw siya tinuruan ng mga magulang niya na magnakaw.

“I am the only Bishop ‘David’ in the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP). I think he has confused me for someone else… My parents never taught me to steal… You see, people who are sick sometimes do not know what they are talking about, so we should just bear with them,” sabi ni Bishop David.

Source: GMA News | Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén