Local News

Watch! Customer, Nag-BEASTMODE sa Opisina ng GLOBE Telecoms! ‘Ipapakulam kita!’

Sa kasalukuyan, pinaghaharian ng Smart Telecommunications at Globe Telecoms ang industriya ng mobile telecommunications sa ating bansa at hindi kaila sa mga kababayan natin ang estado ng telecommunications na mayroon ngayon ang Pilipinas. May mga kababayan tayo na inis na inis na sa natatanggap nilang serbisyo mula sa mga telecommunication companies, kaya ikinatuwa ng ilang Pilipino ang pagpasok ng pangatlong telco sa ating bansa. Pero ang isang ginang ay hindi na nakapagtimpi at sinugod na ang opisina ng isa sa mga telco companies.

Ayon sa video uploader na si Aizell Mc Khuleth, nagreklamo ang isang ginang sa Globe Office sa SM Megamall dahil sa serbisyong nakukuha niya mula sa kumpanya. Makikita sa video ang pagsisigaw at pagmumura ng babae sa stuff ng nasabing opisina. Binantaan din niya na ipakukulam ang isang empleyado.

Ang naturang video ay naibahagi na ng mahigit 2,000 beses at umabot na rin sa libo ang nagkomento dito. Ang ilang kababayan natin ay kinampihan ang ginang dahil nararanasan din daw nila ang parehas na serbisyo mula sa Globe Telecoms.

Basahin ang ilang reaksyon ng netizens sa pagbi-beastmode ng customer.

“Blogger yata si ate. Baka nagfreelancer din tapos hourly ang salary rate. So paano nga naman kasi makakapagwork kung walang internet? Pero actually pu—- ina talaga ng Globe nagfacebook ka lang ng 1 hour more than 1GB na nabawas sa data allocation pero puro naman refreshing feed ang lumalabas sa bagal ng internet kung nanjan ako nakipagsanib pwersa ako kay ate girl,” sabi ni M. Sayson.

“ung sobrang mahal tapos pangit ng service, eh aba… may dahilan nga para magalit si madam. lume-level na ba sa pldt?,” sabi ni L. Espiritu.

“Minsan kasi nakaka frustrate din yung service tas pagdating sa Globe, ang tagal mo mag aantay. Kaya ayan napuno na siguro sya haha,” sabi ni A. Salvacion.

“magaling cla maningil pero pag ikaw naniningil s kanila ng sobrang bayad mo at sablay n serbisyo ayaw nila mag balik ng pera,” sabi ni S. Lee.

“If ok sana aftersales nila hindi magwawala. Alm nila naka lock in pa customer nila kaya pa easy easy lang sa Service nila,” sabi ni D. Mulsid.

Source: Aizell Mc Khuleth

Leave a Reply

Theme by Anders Norén