Local News

Watch! Dalagita, Pinakain ng Buhangin ng Kaaway Dahil sa Boyfriend!

Sunud-sunod na suntok sa ulo at buhangin sa bibig sa gitna ng tirik na araw ang inabot ng isang menor de edad na babae sa nakaaway nitong isang dalagita rin. Ang dahilan umano ng nasabing away, isang lalaki na kapwa naging kasintahan ng dalawa.

Sa programang “Action Man” ni Raffy Tulfo, mapapanood sa video na kuha ng isang netizen ang pagbabakbakan ng dalawang babae sa Laguna habang pinanunuod sila ng ilang kabataan at tila lalo pang pinag-aaway ng mga ito. Kita sa nasabing video kung paano dinaganan, sinabutan, sinuntok at pinakain ng dakut-dakot na buhangin ang biktimang dalagita ng babaeng kaalitan nito.

Maya-maya pa ay may maririnig na may umawat sa dalawa at nagpaaalala na baka umano mapatay ng babaeng umaatake ang dalagitang napapailaliman na pinauulanan ng kaliwa’t kanang suntok sa ulo.

Kuwento ng 14- anyos na biktima na itinago sa pangalang “Nene”, nauna umanong manakit ang babaeng nakuhanang nakadagan sa kanya, na sinasabing dating kasintahan umano ng kanya ring ex-boyfriend.

“Para pong ano,’nung nagkakausap na po kami ulit ni Kenneth, pinapalabas niya po sa social media na sila daw po. Tinanong ko po ‘yung lalaki, sabi po sakin nung lalaki, hindi na daw po sila at malabo na daw po silang magbalikan.

Batay sa pananaliksik ng Action Man team ay labingwalong taon na umano ang lalaking sinasabing naging ugat ng pagbabangayan ng dalawang dalagita sa video.

Samantala, muling pinayuhan naman ni Tulfo ang nasabing dalagita na huwag na muna itong makipag-nobyo at sa halip ay tumulong sa lola nito sa mga gawaing bahay at paunlarin ang buhay ng kanilang pamilya. Dadalhin din umano ng grupo ni Tulfo ang magkabilang panig sa Barangay, kasama ang Women and Children’s Desk at ang mga social worker upang kapwa mabigyang-tulong ang mga bata.

Nangako rin si Tulfo sadalagita na kung sakaling makakuha ng mataas na grado sa kanyang pag-aaral, hindi muna makikipagnobyo at hindi pasasakitin ang ulo ng kanyang lola, bibigyan umano niya ito ng cash at gadget na mapipili nito.

Source:
News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén