Local News

Watch! Di Dapat Ma-Death Penalty ang Suspek sa Silawan Case, ayon kay Opposition Senatoriable Gutoc!

Sa isang panayam sa ABC-CBN News kay Otso Diretso / Opposition Senatorial Candidate Samira Gutoc, natanong ni Karen Davila kung pabor ba ang senatorial aspirant na maparusahan ng kamatayan ang suspek sa pagpaslang sa grade 9 student na si Christine Lee Silawan. Sagot ni Gutoc, hindi niya raw isusulong ang kamatayan ng kriminal, mas gugustuhin niya daw na makulong ang suspek.

“Alam niyo Ma’m Karen, I come from a culture na pinapatay agad ang tao. It’s not even reported. It’s not gonna be told. It’s an internal regulation. But I won’t advocate for that,” sabi ni Gutoc.

Si Silawan ay isang 16-anyos na dalaga na taga Cebu. Natagpuan ito na wala ng buhay sa isang bakanteng lupain noong Marso 11, tadtad ng saksak at binalatan pa ang mukha. Nasa kustudiya na ngayon ng otoridad ang 17-anyos na dating nobyo ng biktima na itinuturi rin suspek sa karumaldumal na krimen.

Habang ang ilang kandidato ng administrasyon sa pagka-senador ay pabor sa parusang kamatayan para sa suspek, ang mga taga-oposisyon naman ay naninindigan na dapat ipataw ang death penalty.

Hindi rin pabor si Gutoc na maparusahan ng bitay ang mga terorista.

Basahin an reaksyon ng ilang kababayan natin sa sagot ni Gutoc patungkol sa Silawan case.

“Hoy madam gutoc..never ka makatikim s akin ng boto sampo ng pamilya ko at mga kaibigan.alam mo kung bakit? Ang dali niyong sabihin na rot in jail lang.alam mo anong ginagawa ng pumatay s kanya binalatan.sa pamilya mo kaya mngyari yan..death penalty s mga criminal n walang awang pumaslang at mang rape na mga inosenteng biktima.bakit binigyan b nila ng chance ang biktima na buhayin.wow huh gigil na gigil ako sayo ahhhhhh,” sabi ni R. Oberez.

“Huy grabe kayo mambash kay gutoc, wala naman syang ginagawang tama.,” sabi ni O. Cirpo.

“Rot in jail, tapos yung family ng mga biktima nagbabayad ng buwis para makakain yung mga criminal sa kulungan. Asan ang hustisya?,” sabi ni L. Elmido.

Source: ABC | FB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén