Local News

Watch! Doktor ng DOH, ARESTADO sa Anti-Drug Operation! Liquid Shabu, Natuklasan!

Nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng Phiippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Dr. Banjo Rufo De Guzman, isang emplyado ng Department of Health (DOH). Isinagawa ang operasyon sa mismong condo unit ni De Guzman. Sa ilang ebidensiya at video na nakuha ng PDEA, mapapanood na nakahubad pa si De Guzman habang nagtuturok ng bawala na gamot sa sarili. 50 gramo ng shabu, 5 bote ng ecstacy ang nakumpiska sa bahay ni De Guzman

“Siya yung supplier and at the same time siya yung nag-aadminister nginjectible shabu… May mga info kasi kami na afte nila gumamit ay nagse-sexual orgy sila,” sabi ni PDEA Special Enforcement Service Director Levi Ortiz.

Arestado din sa opersyon ang university varsity player na si Angela Flores. Nasakote din si Francis Fajardo na isang events organizer. Si Fajardo daw ang supplier ng mga droga sa mga concerts.

Ayon kay De Guzman, user lang daw siya at nahihiya siya sa kanyang pinagta-trabahuan.

“Kahihiyan sa work. Nag-use po ako. Hindi po ako supplier,” ani De Guzman.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa balitang pagkakasangkot ng doktor sa kalakaran ng bawal na gamot.

“Naalala ko nung elementary ako.. May subject kami DARE. at ang slogan ‘say no to drugs’…nagtataka ako sa inyo mga users kayo. Alam na ninyong masama ang dulot. Sige pa rin kayo. Dumaan ako nghighschool at college. At meron ako maging mga kaibigan at kaklase. Talaga nmn mga user at mga adik. Pero hindi ako sumasama sa masama ng gawa nila. Kaya ako hindi ko hinanap yan. Dahil nasa tao yan. Lagi natin tatandaan. Sa droga walang panalo lagi kang talo.. Walang successful. Stop na. Finish na.,” sabi ni M. Gahaman.

“SAYANG Lang DIPLOMA nimo DOCTOR…Walang UTAK ka pla..kasing laki lng ng mongo UTAK mo…mabuti pa akong walang DIPLOMA..dahil ALAM kung MALING MALI ANG DRUGA,” sabi ni A. Medidas.

“DOH doctor pasimono?saan nayong mga educate nyo sa tao na ang drugs ay makakamatay?bakit buhay kapa?,” sabi ni C. CUbin.

Source: ABS

Leave a Reply

Theme by Anders Norén