Sa groundbreaking ng 3.7 kilometers Panguil Bay Bridge sa Lanao del Norte, dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte para pangunahan ang okasyon. Pag naitayo ang tulay, ito na ang magiging pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas. Ang nasabing tulay ay libreng magagamit ng mga kababayan natin at magiging laging bukas. Ang Panguil Bay Bridge ay kauna-unahan sa 16 na tulay na itatayo ng Duterte Administration sa ilalim ng Build Build Build program. Inaasahang maikokonekta nito ang Luzon, Kabisayaan at Mindanao. Ang proyekto ay nakatakdang matatapos sa 2022. Pinondohan ito sa ilalim ng Korean Economic Development Cooperation at nagkakahalaga ng P7.8 Billion.

“Korea has a special atttachment to the Filipino. You know why? We fought in the Korean War,” sabi ni Presidente Duterte.

Inaasahang makakatulong sa ekonomiya ng Cagayan De Oro, Iligan, Ozamiz, Marawi, Oroquieta, Dipolog, Dapitan at iba pa ang tulay. Umaasa naman si Lanao De Norte Governor Imelda “Angging” Quibranza-Dimaporo na papasok ang mga investments sa kanilang lugar dahil sa nasabing tulay.

Panoorin ang buong talumpati ni Presidente Duterte sa groundbreaking ng Panguil Bay Bridge.

Ito po an ilan sa mga reaksyon ng mga tao sa balitang ito.

Source: PTV