Local News

Watch! DU30, Pinangunahan ang Pagbubukas ng Bagong ExpressWay!

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo DUtert eang pagbubukas ng NLEX Harbor Link Segment 10. Ito ay isang 5.65-kilometer elevated expressway na kokonekta sa Valuenzuela hanggang Caloocan. Ang kalsada ay mayroong din anim na linya. Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary, Mark Villar, ang isang oras na biyahe daw mula sa Valenzuela papuntang Caloocan ay magiging 5 minuto na lang. Sa talumpati ni Presidente Duterte sa pagbubukas ng expressway, tinawag niya itong “heaven”.

“This will definitely improve access and mobility in the area and result in greater socio-economic gains for our industries and communities. I am hopeful that the remaining portions of the NLEX Harbor Link Project will be completed within the next two years,” sabi ng ating Pangulo.

60 kph ang minimum speed limit sa naturang kalsada at ang maximum naman ay 80 kph para sa mga trucks at 100 kph sa mga class-1 na sasakyan. Ayon kay Villar, inaasahan nilang 30,000 na sasakyan ang dadaan sa bagong expressway. Magiging libre sa loob ng 3 linggo ang pagdaan Harbor Link

“Kaya ang tawag dito ay harbor Link dahil connected sa port. And ang expectation namin ay more than 30,000 a day ang dadaan sa Harbor Link. So napakalaking bagay sa decongestion ng Metro manila,” ani DPWH Sec. Villar.

Panoorin ang talumpati ni Pangulong Duterte sa pagbubukas ng Harbor Link.

Source: GMA | CNN Philippines | Presidential Communications | Mark Villar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén