Local News

Watch! “Dumaan tayo sa Krisis dahil sa DU30 Govt” – Trillanes

Matapos maliitin ni Senador Antonio Trillanes ang “very good” rating na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling Social Weather Station (SWS) Survey, ito na naman siya at binanatan na naman ang Duterte Administration habang nasa ibayong-dagat. Sa isang mensahe, sinabi ni Trillanes na matinding krisis daw ang idinulot ng gobyerno ni Pangulong Duterte at hindi raw nagtatagumpay ang Duterte Administration na magtayo ng diktadurya dahil nagsasama-sama daw ang mga tao.

“Sa aking mga kababayan all over the world na sumusubaybay sa nangyayari sa ating bayan, nagpapasalamat po ako sa inyo sa patuoy na paniniwala sa kabutihan sa Pilipino. Alam niyo ho tayo ay dumaan sa matinding krisis na ginawa nitong Duterte Administration pero dahil nagsasama-sama tayo at alam natin ang tama sa mali, ay hindi niya nagagawa sa ngayon ang kanyang hangarin na magtayo ng diktadurya. Pero marami pang kailangang gawin, kailangang magkaisa pa rin tayo. Patuloy pa rin natin ang panalangin at magsabi ng katotohanan sa mga kababayan natin. At ‘yan lang tanging paraan.,”

Ito po naman ang sinabi niya tungkol sa gradong nakuha ni Pangulong Duterte mula sa publiko.

Panoorin ang ulat tungkol sa pagtaas ng satisfaction rating ni Pangulong Duterte bago magtapos ang taon.

Source: Gene Alcantara

Leave a Reply

Theme by Anders Norén