Local News

Watch! Kawawang Rider, Binaril sa Ulo ng Mayabang na Motorista! Buong Pangyayari, Sapul sa CCTV!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang motorista sa Marilao, Bulacan. Habang bumabaybay ang magkapatid na sina Melchor at Mario DeBorja sa McArthur highway, nasagi sila ng isang itim na kotse at nang kausapin nila ang driver ng kotse ay niyabangan na sila nito. Ang argumento ng dalawang panig ay nauwi sa pamamaril. Patay si Melchor nang barilin ng malapitan sa ulo, habang himalang naka-iwas sa bala ang kapatid nito na si Mario.

“‘Yung pagbaba ng driver, sa halip na tignan ang pagkakabangga kung ano ang damage, ang banat niya agad sa kuya ko, ‘kasalan mo kaya kita nabangga’, pero kung titignan mo yung lane ay nasa right lane kami. Ang sabi niya, ‘bago kayo makipag-away sa akin kilalanin niyo kung sino kausap niyo’. Siyempre ang banat ng kuya ko, ‘bakit sino ho ba kayo?’. Pagkuha ng baril, tutukan agad, pinaputukan agad. Hindi mo iniisip ang papatayin mo may pamilya. May tatlong anak, mga bata pa. Siguro may anak ka rin, sana huwag mangyari sa pamilya mo ang ginawa mo sa kapatid ko,” kwento ni Mario De Borja, Kapatid ng biktima.

Pina-berika na sa Land Transportation Office (LTO) agn plate number ng sasakyan na znr 321, pero naibenta na umano ang sasakyan na ginamit ng suspek sa isang insurance company. Patuloy pa rin na tinutugis ng mga otoridad ang suspek.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa nangyari kay Melchor.

Sana po ay matulungan po natin ang mga biktima. Paki-kalat po ang artikulong ito para mapanood din ng iba baka sakaling makarating sa mga may alam.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén