Local News

Watch! Kotseng Pa-Raffle ng Sikat na Mall, May Dayaan Nga Ba?

Pinagpi-piyestahan ngayon ng mga kababayan natin ang kumakalat na video sa social media tungkol sa diumano’y dayaan na nangyari daw sa SM Bacoor sa isinagawang raffle promo. Ang premyo sa naturang promo ay isang bagong kotse (Suzuki Dzire Swift).

Nag-ugat ang pagdududa ng mga kababayan natin dahil sa naging kilos ng opisyal ng SM Mall habang isinasagawa ang raffle draw. Ayon sa mga netizens, kapansin-pansin daw na hindi inalis ng SM official ang kaliwang kamay nito sa kanyang bulsa habang kumukuha ng raffle entry sa tambiolo. At nang may nakuha daw na winning raffle entry, sabay na ginamit umano ng opisyal ang kanyang kaliwa’t-kanang kamay at ibinigay ang winning entry sa kawani ng Department of Trade and Industries (DTI).

Ayon sa uploader ng video na si Norman Sañez Ramirez, galing daw ang video sa Facebook page mismo ng SM Bacoor pero binura na daw ito sa FB page ng SM. Nai-save niya daw ang naturang video para malaman kung totoo bang may nangyaring dayaan.

“This was originally a live video from Sm Bacoor page but it seems that the video was already been deleted. This post was not intended to hurt or ruin someone else’s life or family please stop bashing guys, gusto lang din naman pong malaman nang iba kung totoo ba o hindi yung nakitang pandaraya, i know they are just doing their job haiz”sabi ni Ramirez.

Binura na po ng original uploader ang kanyang video, pero may ilang Facebook pages na nakapag-upload ng nasabing video.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa mahigit 30,000 ang nag-bahagi ng video at umani na rin ng sari-saring reaksyon mula sa mga kababayan natin.

May hokus-pokus nga ba na nangyari? Ano sa tingin niyo?

Source: Norman Sañez Ramirez

Leave a Reply

Theme by Anders Norén