Balitang Lokal

Watch! Maselang Bahagi ni Kabit, Pinagsasaksak ni Misis!

Sa isang trahedya humantong ang kwento ng umano’y kataksilan sa Barangay Palua sa Mangaldan, Pangasinan matapos pagsasasaksakin ng isang ginang ang aniya’y kalaguyo ng kanyang asawa.

Sugatan sa braso at sa maselang bahagi ng katawan ang biktima na itinago sa pangalang Leslie, na ayon sa suspek ay naaktuhan niya mismong nakikipagtalik sa kanyang mister kaya’t nagawa niya itong saksakin.

Batay sa ulat ng GMA News, sinasabing nagdiriwang ng kanyang kaarawan ang mister ng suspek na itinago sa pangalang Marie nang magpunta sina Leslie at isa pang babaeng kasama nito sa bahay nina Marie at ng kanyang asawa upang bumili ng panindang kamoteng-kahoy ng mga ito.

Nagtiwala umano si Marie na tanging pagbili ng kanilang paninda ang pakay ni Leslie at ng kasama nitong babae kaya’t umalis si Marie at iniwan ang tatlo sa bahay. Kalauna’y bumalik umano si Marie sa kanilang bahay at nakita niyang nagdiriwang na ang tatlo ng kaarawan ng kanyang mister habang kumakain at nag-iinuman pa raw ang mga ito.

Dagdag pa ni Marie, nakita pa umano niyang sinusubuan ni Leslie ang kanyang mister subalit nagawa pa umano niyang magpigil ng emosyon at pinagsabihan na lamang nito ang tatlo. Buong- akala raw ni Marie ay aalis na ang dalawang babae matapos niyang kumprontahin ang mga ito. Gayunpaman, hindi nagtagal ay napansin umano ni Marie na wala sa kanilang bahay ang kanyang mister, kaya’t agad niya itong hinanap sa isang kubo. Doon na umano niya nahuli sa akto ang kanyang asawa na nakikipagtalik kay Leslie.

Dahil sa matinding galit sinaksak umano ni Marie si Leslie sa braso at maselang bahagi ng katawan nito, habang nakatakas naman ang kanyang mister. Kaagad namang sumuko sa pulisya si Marie matapos ang nasabing pananaksak habang si Leslie naman ay naisugod sa ospital at doon kasalukuyang nagpapagaling.

Sinampahan na ng reklamo sa piskalya si Marie habang hindi pa nagbibigay ng kanilang pahayag sina Leslie at ang mister ni Marie.

Source:
GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén