Local News

Watch! Lahat ng Pulis sa Isang Istasyon, Sinibak sa Puwesto dahil sa Prank!

Naglabs ng direktiba ang Mayor ng Agneles City, Pampanga upang tanggalin sa puwesto ang lahat ng pulis sa Angeles City Police Station 5 dahil sa video prank na kinasasangkutan ng mga ito.

Sa nasabing video na lumabas noong ika-2 ng Abril, kunwaring inaaresto ng mga nakaunipormeng puis ang isang indibiduwal gamit ang mobile ng Philippine National Police (PNP). Kalaunan ay sinabi nila na prank lang ang pang-aaresto nila.

Dahil sa nangyari, pati ang music stdio kung saan nangyari ang prank ay ipinasara ng munisipyo. Ginawa ito ng mga awtoridad dahil sa paglabag ng establisimiyento sa health protocols tulad ng social gathering, social distancing at pagsusuot ng face mask.

Ang Angeles City ay nasa ilalim ngayon ng Modified General Community Quarantine. May liquor ban at curfew din na ipinatutupad sa lugar.

Source: ABS | PS

Leave a Reply

Theme by Anders Norén