Local News

Watch! Lalaki Patay nang Bugbugin ng 4 na Tanod dahil sa Curfew Violations!

Isinasailalim na ngayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad ang pagkamatay ng isang lalaki sa kamay ng mga tanod sa Calamba, Laguna.

Base sa ulat, lumabas ang biktima sa bahay nito para bumili ng pagkain. Nang hindi agad makauwi ang biktima ay sinundan na ito ng kaniyang kapatid. Nang makarating sa barangay hall ay nakita niya ang kapatid na bugbog sarado na.

Ayon sa ilanbg saksi, 4 na tanod ang gumulpi sa biktima. 2 pa sa mga ito ang pinaghahanap na ng alagad ng batas.

Base sa kwento ng mga tanod, sinubukan daw tumakas ng biktima matapos nilang mahuli sa paglabag sa curfew. Hinabol ng mga tanod ang bitikma pero nagkabanggaan ang mga ito na ikinatumba at ikinabagok ng bitikma.

Source: GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén