Local News

Watch! Leni “Nakakagalit at Nakakatakot ang Insidente sa West Philippine Sea”

Ikinagagalit at ikinalulungkot ni Vice President Leni RObredo ang nangyaring insidente sa West Philippine Sea kung saan pinaalis ng mga Chinese coast guard ang isang Filipino news outlet sa Scarborough shoal. Sa kanyang radio show na “BISErbisyo Leni”, naglabas ng hinaing si Robredo sa nangyari sa media outlet.

“Nakakatakot na nakakagalit… Nakakalungkot kasi ito iyong pinapamukha sa atin: na talagang iyong mga dapat may karapatan naman tayo, inaangkin ng iba-inaangkin ng China,” sabi ni Leni.

Ang insidente ay kinasasangkutan ni GMA-7 reporter Jun Veneracion na nagtungo sa dagat para makapanayam ang ilang mangingisda para sa kanyang segment sa programang “Reporter’s Notebook”.

Hindi nama nagustuhan ng ilan nating kababayan ang mga pinagsasabi ni Leni

Source: News5 | RMN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén