Local News

Archive Video: Lumad Youth Leader “Tinuruan kami umatake sa Militar! Pinagra-rally kami ng Bayan Muna!”

Ang video na ito ay matagal na pero napapanahon dahil sa isyung kinasasangkutan nila dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo at Act Party-list France Castro. Sa programang Talk Back with Tina Palma noong Sep 6, 2015, ibinulgar ni Lumad youth leader Asenad Bago ang kalokohang itinuturo ng New People’s Army (NPA) sa mga kabataang lumad. Isiniwalat din niya kung paano sila ginagamit ng Bayan Muna para mag-kilos protesta laban sa militar.

“Bigla ako tumakas dahil hindi maganda ang tinuturuo sa amin… Pinapasara na namin (ang eskwelahan). Tinuturuan kami kung paano mag-attack ng detachment. Pag wala kaming klase, isasama kami ng mga maestra papunta sa posting (bahay-bahay) ng mga NPA. Pinapakitaan kami ng sine (video) at tinuturuan kami kung paano mag-atake ng detachment… Sabi nila, ito ang gobyerno natin, ang New people’s Amry (NPA). Isa pa sa naka-sira o naka-istorbo sa pag-aaral ay ang Bayan Muna. Kahit nagka-klase kami ay tinatawagan kami para pumunta ng Davao para mag-rally at palayasin ang militar”sabi ni Bago.

Naging laman ng balita kamakailan lang sina Ocampo, Castro at iba pa dahil sa pagbiyahe ng mga ito sa mga kabataang lumad na walang permiso ng mga magulang. Kinasuhan ang grupo ni Ocampo ng Kidnapping at Human trafficking dahil sa insidente.

Panoorin ang kumprontasyon sa pagitan ng mga tribal leader, magulang ng mga Lumad youth at ng grupo ni Satur Ocampo.

Source: Talk Back with Tina Monson via VOVph

Leave a Reply

Theme by Anders Norén