Local News

Watch! Off-Duty Police, Nanira ng Side Mirror ng Taxi!

Ito ang dahilan kung bakit nasisira ang imahe ng buong kapulisan. Sapul sa dashcam video noong Oktubre 19 ang pagpalo at pagsira ng police escort sa side mirror ng taxi na minamaneho ni Joseph Barreno. Mapapanood sa video na dahan-dahan tumabi si Barreno sa isang gate sa may Andrews Avenue nang sumenyas at nag-sirena ang mga pulis pero laking gulat na lang niya na may narinig siyang humapas sa kanyang side-mirror. Ang mga pulis ay nag-e-escort ng isang negosyante.

Napag-alaman na ang mga naturang pulis ay naka-off-duty noong pagkakataon na iyon. Nakilala ang mga pulis sa viral video na sina Police Officer 2 Ralp Tumanguil ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at si Jay Templonuevo ng PaaƱaque Police.

Ayon kay Tumanguil, tinap niya lang umano ang side-mirror ng taxi ni Barreno.

“Tinap ko lang po ‘yung side mirror, para ma-flag down kasi papasok na po kami sa gate… Hindi ko po napansin na nasira na pala siya,”sabi ni Tumanguil.

Mahaharap ang dalawang pulis sa kaong administratibo at maaring masuspinde ng 1 hanggang 2 buwan, ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar.

KUng kayo ang masusunod, ano ang dapat na parusa sa mga nasabing pulis?

Source: ABS-CBN

Leave a Reply