Local News

Watch! Maangas na Vendor, Sinakal ang MMDA Personnel!

Sapul sa video ang pananakal ng isang vendors sa tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) habang nagsasagawa clearing operation ang MMDA sa may Baclaran. Ayon sa social media post ni Gadget Addict (GA), nakatikim daw ng sapak at panunulak ang mga tauhan ng MMDA sa mga vendors. Ang lalaking nakakulay t-shirt na berde ay isa pa lang kagawad at lider din umano ng mga vendors sa Baclaran.

Base sa post ni GA, ang mga vendors daw sa Baclaran ay organisado at mga propesyunal. Ang isang araw na kita ng mga vendor ay mas malaki pa sa isang linggong sinisuweldo ng mga tauhan ng MMDA. Ang problema daw sa mga vendors na ito ay nakakaperwisyo na sila mga kababayan natin na bumababa sa LRT Baclaran dahil nahaharangan ng mga vendors na ito ang kalsada sa may Baclaran.

Ipinaalam din ni GA sa publiko na ang mga nakunan niya sa Baclaran ay hindi ang totoong Baclaran dahil kumokonti lang ang mga vendors pag may mga dumadating na tauhan ng MMDA.

“Remember, what you see in my video is not the real Baclaran. That’s just how it looks when they know the MMDA are coming. The rest of the time, the road is completely impassable, except to motorcycles. I’ve shown that in a previous video when I visited the area without the MMDA.,” sabi ni GA.

Source: Gadget Addict

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: