Local News

Watch! Makina para Mapadali ang Pag-Renew ng Lisensiya, Ilalagay sa mga Malls!

Malugod na ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang modernong self-renewal kiosk ng Land Transportation Office (LTO) na ilalagay sa mga malls sa Pilipinas sa mga darating na buwan.

Layon ng proyektong ito na mismong mga kababayan natin ang magpo-proseso ng pagre-renew ng kani-kanilang mga lisensiya. Ang kiosk ay may mga biometrics at face detection systems para maging madali ang transaksyon. Malalaman din kung mayroong mga paglabag ang magre-renew at kung kailangan muna nilang i-settle.

Ang lisensiya ay pwedeng ipadala sa rehistradong tirahan ng motorista at maaari din personal na kunin sa tanggapan ng LTO.

Inaasahan na ang proyektong ito ay magdudulot ng mabilis at maayos na serbisyong publiko sa mga kababayan natin.

Basahin ang reaksyon at tugon ng mga kababayan natin sa social media post ng DOTr.

Panoorin ang ulat patungkol sa self-renewal kiosk ng LTO.

Source: ABS | DOTr

Leave a Reply