Sa press briefing sa Malacañang, nagbigay ng reaksyon ang palasyo sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo tungkol sa nangyaring insidente kung saan sinabuyan ng isang babaeng Chinese National ng taho ang Pilipinong Pulis sa LRT station.

Matatandaang naging laman ng social media at ng balita si Jiale Xhang dahil sa pagsaboy nito ng taho kay PO1 William Cristobal. Dahil sa insidente, nagsalita si Robredo at sinabing ‘wake-up call’ na umano ito sa Pilipinas. Ang nangyaring pagsasaboy ng taho ay pambabastos daw sa bansa natin.

“[W]ake-up call iyon sa ating lahat. Ano ba talaga? Maraming reklamo na iyong mga trabahong dapat sana sa Pilipino, nabibigay pa sa Instik. Tapos ito pa, parang kinakalinga natin sila tapos binabastos nila tayo,” sabi ni Robredo.

Sa naging tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pahayag ni Robredo, sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na huwag ng gatungan ni Robredo ang isyu na lalong makakapagpalala sa insidente.

“That particular issue happens almost anywhere. Kumbaga ‘wag na nating palakihin. Moreover she has been charged, one. Number two, I think they are considering her deportation… Maybe it’s a wake-up call for her to stop speculating and stop giving statements that may inflame incidents that need not be so,” banat ni Panelo.

Mayroon bang naging komento si Robredo tungkol sa pambabastos ng isang Turkish National sa mga traffic enforcers ng Makati?

May narinig din ba kayo na komento galing kay Robredo tungkol naman sa caucasian na nandura sa Pilipinong Tricycle driver?

Source: RTVM