Local News

Watch! Mga Malacañang Staff, SINUPRESA si PDU30 sa Ika-74 Birthday!

Sa mga hindi nakakaalam, ngayong araw ang ika-74 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa talumpati ng Presidente sa proclamation rally ng PDP-Laban sa South Cotabato kamakailan lang, ayaw niya daw ng magarbong handaan para sa kanyang birthday. Gusto lang daw ng Presidente na manatili sa bahay, magpahinga at makasama ang mga kaanak.

“I really do not want to celebrate. I just want to stay at home and sleep, and if there is somebody welcome to me, it’s my children and grandchildren,” sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kilala ang Presidente sa simpleng pagdiriwang sa kanyang kaarawan. Magugunita noong nakaraang taon ay nanatili rin ito sa kanyang bahay para ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga apo.

Pero ilang oras ang nakalipas ay sinupresa si Pangulong Duterte ng mga staff ng Palasyo para sa kanyang kaarawan. Naghanda ang mga emplyado ng Malacañang ng simpleng “boodle fight” meal para sa Pangulo. Ang video ng okasyon ay ibinahagi ng Facebook page na Mindanao Daily Mirror. Maririnig sa video na kinakantahan ng mga kawani ng Malacañang ang Pangulo. Ang video ay naibahagi na ng lagpas 8,000 beses habang ginagawa ang artikulo na ito at umani na rin ng libo-libong reaksyon mula sa mga kababayan natin.

Source: Mindanao Daily Mirror | MB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén