Local News

Watch! ‘Balitang may Dagdag!’ Malacañang, Sinupalpal ang ABS-CBN Journalist!

Sa knaiyang programang Counterpoint, ibinahagi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang report ng Department of National Defense tungkol sa balita ng ABS-CBN. Magugunita na pinalabas ng Kapamilya network na hinabol sila ng Chinese attack boat sa disputed territory sa West Philippine Sea.

“May lumapit na puting barko ng China Coast Guard at dumidiretso. Nakikita namin na papunta sa direksyon namin ‘yung barko. Maya-maya ay nagradyo ito at sa salitang Ingles ay tinatanong kung sino kami at ano ginagawa namin doon… Kahit kami ay nasa ruta na papauwi ng mainland ay mga isang oras kaming hinabol,” sabi ni ABS-CBN reporter Chiara Zambrano sa kaniyang ulat.

Ayon opisyal ng Malacañang, wala daw itong katotohanan dahil kung hahabulin talaga ang TV crew ng Chineses military boat, maabutan ang mga ito dahil pangkaraniwang bangka lang daw ang sinakyan ng reporter.

Binuweltahan din ni Panelo ang reporter ng ABS-CBN na si Chiara Zambrano at sinabihan na “medyo may pagkapusakal.”

Magugunita na nagsalita na rin si AFP Western Command commander Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez tungkol sa isyu.

“Kung talagang hinabol kayo no’n, madali niya kayong inabutan… Inoobserbahan lang kayo no’n,…If we follow the dictum of ‘flight is an admission of guilt,’ bigla kayong umalis eh,” sabi ni Enriquez.

Source: RTVM | News5 | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén