Local News

Watch! Banyagang Mayabang na Nanakit ng Traffic Enforcer, Sangkot pa sa Isang Road Rage!

Hindi lang po sa Makati nagwala itong si Yuksel Ibrahim, pati pala sa Maynila ay naging pasaway din itong mayabang na banyagang ito. Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang Turkish National na si Ibrahim dahil sa panunulak, pang-aalipusta at pagbabanta sa kababayan nating traffic enforcer sa Makati. Katulad sa lungsod ng Makati, gusto rin ipa-deport ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) si Ibrahim. Pati ang kasama nitong nagpakilalang sundalo ay balak kasuhan ng mga otoridad.

“Hiningan ko ng I.D yung foreigner, yung Turkish po, wala siyang mai-present, kahit anong identification po. Tapos, lumabas yung kasama niyang parang backer po niya na nagpakilalang sundalo, binigay po yung I.D., saka kinuha po agad, hindi ko nakita po, “ sabi ni Miguel So, Head ng MTPB Central Impounding.

“Nagalit po ako kasi malakas yung boses. Nagtaas po siyang ng boses dito. Tapos parang prenteng-prenteng siyang nanigarilyo pa dito,” kwento ng releasing officer ng MTPB.

Ito po ang video ng insidenteng kinasangkutan ng banyaga sa Makati kung saan nahagip niya sa baywang ang Makati traffic enforcer.

Basahin ang ilang komento ng mga kababayan natin sa mayabang na dayuhan.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply