Local News

Watch! Mga Deported OFW, Ninakawan Pa? “Inubos Nila. PDU30, Tulungan niyo po kami.”

“Inubos po nila President”

Ganito na lang ang mga salitang lumabas sa bibig ng kababayan nating Overseas Filipino Worker (OFW) na na-deport mula Jeddah. Ayon sa uploader na si Mah Fe Moskila, na-deport daw sila noong Nobyembre 17, 2018 mula sa bansang Saudi Arabia. Kwento pa ni Moskila, pinagbawalan daw sila ng mga immigration sa Jeddah na magbitbit ng mga mahahalagang gamit tulad ng cellphone, alahas at pera, bagkus ipinalagay daw ito sa kanilang bagahe. Laking gulat na lang daw nila nang nakita nilang nagkalat na ang kanilang mga gamit noong padating nila sa paliparan s Pilipinas. Lumapit na umano sila sa mga pamunuan ng Saudi pero wala raw pananagutan ang mga ito sa mga nawalang gamit ng mga OFW. Maririnig sa video na halos humagulgol na ang isa sa mga OFW habang ang lalake naman sa video ay nagmamakawa sa Pangulong Duterte na sila ay tulungan.

“Presidente Duterte, tulungan niyo po kami. Deported na nga po kami. Wala natira sa pinaghirapan namin. Inubos po nila. “ sabi ng lalakeng OFW sa video.

Ito pa pong ilang larawan na pinost ng kababayan natin

Source: Mah Fe Moskila

Leave a Reply

Theme by Anders Norén