Local News

Watch! Mga Graduates, Isinigaw ang Pangalan ng Alleged Ex-Lover ni De Lima!

Sa hindi malamang kadahilanan ay nauuso ngayon ang mga memes kung saan sinasabi ng may malambing na tono ang pangalang Jonel. Ang naturang meme ay hango sa pangalan ni Jonel Sanchez, ang security aide at itinuturong ex-lover umano ni Senator Leila De Lima.

Magugunitang naging laman ng balita si Sanchez nang dumalo ito sa congressional hearing sa kalakaran ng droga sa Bilibid Prison noong Oktubre 2016. Sa gitna ng panggigisa ng mga mambabatas kay Sanchez, natanong ng mga kongresista kung paano ang paraan ng pagtawag sa kanya ni De Lima. Dito na inilahad ni Jonel ang tila malambing na tono ni De Lima.

Matapos ang mahigit dalawang taon, tila nagiging patok sa mga netizens ang Jonel memes. Sa katunayan, sa isang graduation rites kung saan may graduating student na kapangalan ni Sanchez, sabay-sabay na sinabi ng malakas at malambing ng mga kapwa niya graduates ang pangalang “Jonel”. Ang naturang video ay umabot na ng 3.1 million views habang isinusulat ang artikulong ito. Naibahagi na rin ito ng lagpas 114,000 beses.

Isa pa sa mga patok na Jonel Meme ay ang video ng concert ng rock band na Queen. Sa naturang video, pinalitan ang boses ng lead singer ng banda. Umabot naman ito ng mahigit 4 million views.

Magugunitang inalmahan ni De Lima ang alegasyon na karelasyon niya si Sanchez.

“Kung may ka holding hands man ako sa mga security ko, hindi naman holding hands, inaalayan kung medyo dangerous yung dadaanan… at anyone of my security can do that to me, hindi lang sila Jonel. Hindi lang sina Ronnie Dayan… not in a romantic way,” sabi ni De Lima noong 2016.

Source: Moem Marcial Delacruz | INQ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: