Local News

Watch! Mga Katutubo, Naghayag ng POOT laban kay Satur Ocampo! Sexual Abuse, Ginagawa umano ng mga Guro ng Learning Center!

Hindi na napigilan ang damdamin ng ilang miyembro ng Ata Manobo at naglabas na sila ng sama ng loob laban kay dating Bayan Muna Congressman Satur Ocampo. Ayon sa Spokesperson ng Talaingod Tribal Council Leaders na si Datu Lomansad Sibogan, saksi umano siya kung paano nagagamit ng mga New People’s Army ang Salugpungan school. Tinuturo daw sa loob ng eskwelahan ang paggamit ng mga baril at paglaban gobyerno.

“Tuwing-gabi sila pupunta sa eskwelahan para magbigay ng instruction an ang dapat gawin at pinagbabawalan kami na dalawin ang mga anak namin, isasara na ang mga pintuan. Pagka-gabi iba na yung itinuturo, sinasanay na nila ang mga bata kung paano mag dismantle ng baril at magbigay ng lecture kung paano salakayin ang detachment ng mga sundalo. Ito ang nakasira sa aming kultura. Pagka-graduate ng mga bata dahil wala silang diploma, aataki na iyan sila sa military dahil tinuruan nila ang mga ito kung paano umatake sa mga kampo at paggawa ng mga pasabog,” Datu Sibogan.

Ibinunyag naman ni Bago, isang 20-anyos na manobo, ang pang-aabusong seksuwal na naranasan nito sa kamay ng mga guro ng Salugpungan school. Dagdag pa ni Bago, hindi niya papayagang na makaligtas si Ocampo sa pagyurak sa kaniyang karapatang-pantao.

Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga kababayan natin sa balitang ito.

Source: PTV

Leave a Reply