Local News

Watch! Mystica, Nagbanta kay Tulfo “Isa kang Duwag! Idedemanda kita kung…”

Hindi nagustuhan ng singer/actress na si Mystica ang naging tugon ni TV host Raffy Tulfo sa mga paratang niya na hindi umano siya nabigyan ng sapat na airtime sa programang Raffy Tulfo in Action. Sa video na inilabas ni Tulfo, sinabi ng beteranong broadcaster na matapos mapanood ang iba pang video ni Mystica ay nangingibabaw umano ang awa niya sa entertainer at sa tingin niya ay kailangan na umano ni Mystica na magpatingin sa medical professional.

Sa kanyang Facebook video, nanggalaiti si Mystica sa mga sinabi ni Tulfo at nagbanta na idedemanda ang mamamahayag kung magiging negative ang medical test niya.

“This is in response to the post of Raffy Tulfo. Ayaw ko na sanang umiyak, ayaw ko na sanang magalit o magsalita, but because I am entitled to defend myself, dahil kung gusto talaga niyang lumaban ng patas, hindi sa ganoong paraan. Isa siyang duwag. Kung matapang ka talaga Raffy Tulfo, sagutin mo kung ano ang mga sinulat ko doon… Magpapa-medical test ako. Katulad noong sinabi mong magpa-drug test, and once the result is going to be negative sa mga pinparatang mo, I’ll sue all the damages,” sabi ni Mystica.

Ito po ang video na pinanggagalaiti ni Mystica.

Ito naman po ang mga videos kung saan mapapanood niyo kung paano nagsimula ang hidwaan nila Mystica at Tulfo.

Reklamo ni Mystica sa programa ni Tulfo..

Source: Ruby Villanueva

Leave a Reply

Theme by Anders Norén