Local News

Watch! Pekeng “Anak ng Congressman” at Nanapak ng Motorista, Arestado Na!

Naaresto na ng otoridad ang road rage suspect sa viral video na nanakit ng kapwa niya motorista sa may Pampanga na nagpakilalang anak pa ng kongresista. Ayon sa ulat, kinilala ang suspek na si Jojo Valerio at walang koneksyon ito kay Congressman Jon Lazatin. Nagtatrabaho ito bilang entertainer at lead vocalist ng isang banda. Hindi pa malaman kung saan nakuha ng suspek ang numero 8 plaka na karaniwang ginagamit lang ng mga miyembro ng kongreso.

Si Valerio ay nasakote sa isang bar sa Tarlac ng mga operatiba ng Police Regional Office 3 and the Criminal Investigation and Detection Group. Mahaharap sa kasong usurpation of authority, serious physical injury, grave threats, at paglabag sa batas trapiko ang mokong na suspek.

Source: GMA News | News5

Leave a Reply