Local News

Watch! P1.8 Bilyong Halaga ng Shabu, Nahuli ng Gobyerno! Mga Droga, Nakasilid sa Pakete ng Tsaa!

Na-corner ng mga otoridad ang tinatayang 276 kilo ng shabu mula Vietnam sa Manila International Container Port nito ang Biyernes ng gabi. Ayon sa ilang ulat, aabot daw ito sa halagang P1.8 bilyon.

Base sa impormasyon mula sa Bureau of Customs (BOC), natagpuan ang mga bawal ng gamot sa isang 40-pulgadang container na naka-consigned sa Wealth Lotus Empire Corporation. Dumating daw ito sa bansa noon pang Marso 17 pero naka-deklara bilang plastic resin.

Ang mga iligal na droga ay nakabalot sa mukhang packaging ng tsaa na kulay green.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) General Director Aaron Aquino, ang mga kargamentong ito ay may pagkakaparehas sa nangyaring drug bust sa Ho Chi Minh, Vietnam.

“Of course malaki-laki ito, definitely medyo magmamahal na naman shabu (This is a big shipment, this will definitely cause the higher price of shabu). Price now range from P4,000 up per gram, before it went down to around P1200 per gram,” sabi ni PDEA Director General Aquino.

Ang consignee at broker ng naturang argamento ay sasampahan naman ng kaso ng mga otoridad.

“We have already revoked the customs accreditation of the involved consignee, Wealth Lotus Empire Corporation, and customs broker Castillo. Also, we will also file appropriate criminal and administrative charges against those involved in the importation of illegal drugs,” ani MICP District Collector Sandino Austria.

Boladas daw ng mga durugista, hindi daw sila hihinto sa paggawa at pag-import ng droga sa bansa dahil wala naman daw parusang kamatayan sa Pilipinas. Pwede naman daw suhulan ang mga hukom at otoridad, pagbubunyag ni Aquino, base sa ginawa nilang interrogation sa mga chemist.

“They will never stop drug trafficking and smuggling of illegal drugs in our country. They will never stop putting up drug laboratories in our country. When we interrogate Chinese chemists or anyone involved in the illegal drug trade, the first thing they will tell is that there’s no death penalty in the Philippines, and that’s the main reason. That they will continue to smuggle drugs. They can buy anybody—judges, prosecutors, even law enforcers and return to their country safely,” pagsisiwalat ni Aquino.

Source: PTV | BOC | MB

Leave a Reply