Local News

Watch! PBA Player Jio Jalalon, Isinumbong Kay Tulfo!

Mas mahaharap ngayon sa problema ang Philippine Basketball Association (PBA) player na si Jio Jalalon nagsumbong ang asawa nito na si Kristina Jalalon sa mamamahayag na si Raffy Tulfo.

Inilapit ni Kristina kay TUlfo ang pagtataksil sa kaniya ng basketbolistang mister. Base sa kanyang kwento ay mismong ang babae na kinakausap ng kaniyang mister ang nagbigay sa kanya ng mga larawan kung saan ay dumidila-dila si Jio.

“Last year pa daw sila, natutulog si Jio sa kanila. Natulog lamang po ng isang beses sabi niya,” sabi ni Kristina.

Ayon sa asawa ng basketbolista, tanging ang video lamang ni Jio habang nakalabas ang dila ang ebidensiya niya.

Ibinunyag din ni Kristina ang ginagawang pananakit sa kaniya ni Jio.

Ayon kay Atty. Garreth Tungol, sapat na daw ang ginawa ni Jio para managot ito sa batas. Hindi naman daw makukulong ang diumano’y babae ni Jio.

“Enough na ‘yun to file a concubinage,” ani Atty. Tungol.

Binibigyan naman ni Tulfo ng pagkakataon si Jio na ipagtanggol ang kanyang sarili. Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang PBA player kaya naman ang mga fans nito ay nag aalala sa kalagayan niya.

Source: RTIA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén