Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Watch! PDU30, Payag na Palitan ng “Mahalika” ang Pangalan ng Pilipinas!

Sa pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga Agrarian reform beneficiaries sa Maguindanao. Sinabi ng Presidente sa kanyang talumpati na pabor siya sa ideya ni dating Presidente Ferdinand Marcos na palitan ang pangalan ng Pilipinas at gawin itong “Maharlika”. Ayon sa kasalukuyang Pangulo, wala daw choice ang ating bansa noong nadiskubre ito ng Espanya na pinamumunuan ni King Philip II noong 1521.

“Wala na tayong magawa. Philippines. Philippines because it was discovered by (Ferdinand) Magellan using the money of King Philip. Kaya pagdating ng ulol ginawang Philippines. Pero okay na ‘yan, balang araw palitan natin,” pahayag ng Pangulong Duterte.

Magugunitang nagkaroon ng 1978 parliamentary bill na naglalayon na palitan ang pangalan ng ating bansa at tawagin itong “Maharlika”. Ang bill ay inihain ni dating Senador Eddie Ilarde na umano’y konektado kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Actually, tama si (Ferdinand) Marcos. Panahon ni Marcos, tama talaga si Marcos. Gusto niya palitan (ng) Maharlika… the Republic of Maharlika. Gusto niya palitan it means… more of concept of serenity and peace,” sabi pa ng Pangulo.

Ang Pangulo ay nasa Buluan, Maguindanao upang mamahagi ng mahagit isang libong certificates of land ownership awards (CLOAS).

Source: Presidential Communications | INQ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén