Feature

Archive Video: PDU30 “Yung Nam-bully sa akin, Binaril ko!”

Dahil mainit ngayon ang usapin tungkol sa karahasan sa loob ng paaralan. Balikan natin ang naging rebelasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nangangampanya pa lang ito para sa pagka-presidente. Isa sa mga rebelasyon ng Pangulong Duterte ay ang dinanas niyang pambu-bully sa paaralan noong nasa kolehiyo pa ito at kung paano siya gumanti sa taong iyon.

Ayon sa Pangulo, madalas daw kutyain ng bully ang pagka-bisaya niya. Kinutya din daw ng nasabing estudyante ang mga mag-aaral na Muslim. Dumating daw sa puntong napuno na siya at dito na niya binaril ang kanyang brother sa fraternity sa loob mismo ng campus ng kanyang paaralan.

Nangyari daw ang insidente noong graduating student na si Presidente Duterte sa San Beda College noong 1972.

“I was a graduating student at San Beda when I shot a man… I waited for him, I told myself I’ll teach him a lesson… I said you son — – —- if I get hit I will shoot you. I was hit in the nose. Aaah! Bang,” sabi ng Pangulo.

Ayon sa source ng Inquirer sa Lex Talionis fraternity, ang nabaril daw ay si Octavio Goco. Tinamaan daw si Goco pero hindi namatay. Si Goco at si Presidente Duterte ay pareho noong mga miyembro ng fraternity.

Dahil sa insidente, hindi nakasama sa graduation rites si Pangulong Duterte. Ayon naman sa isa pang source ng Inquirer, naitago umano ang insidente sa tulong ng fraternity at ng opisyal ng paaralan para hindi na magkaroon ng iskandalo.

Hindi namin sinasabi na gayahin natin ang ginawa ni Pangulong Duterte. Sana lang ay matutunan natin ang moral lesson sa istoryang ito na huwag mang-argabyado ng kapwa dahil baka karamahin balang araw.

Panoorin ang isa pang video kung saan ikinuwento ng Pangulo ang parehas na istorya sa ibang pagkakataon.

Source: Inq | GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén