Local News

Watch! Pinakamalaking Drug Supplier sa MM, DEDO sa Engkwentro! 2 Artista, Parokyano ng Durugista!

Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Steve John Pasion matapos maka-engkwentro ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Nagtangkang umano maanggaw ng baril sa pulis ang durugista kaya pinaputukan ito. Tinamaan ng bala sa dibdib si Pasion na agad bumawi sa buhay nito. Nangyari ang insidente sa Sta. Cruz, Maynila nito lang Lunes ng Gabi.

Base sa pahayag ni PDEA-NCR Director Joel Plaza, si Pasion umano ang mga pinaka big-time na supplier ng party drugs sa Metro Manila.

Nakumpiska sa sasakyan ng suspek ang mga shabu at estacy na may halagang P300,000. Ilang sa mga parokyano ay mga mag-aaral at mga modelo.

“Ang background nitong si Steve Pasion, isa siya sa talagang big-time supplier ng party drugs at shabu dito sa Metro Manila. However, parang naka-timbre siya na sinusundan na siya, kaya ‘yong ibang stocks niya nalipat na sa ibang lugar,” pahayag ni PDEA Special Enforcement Service (SES) Acting Director Levi Ortiz.

Ayon kay Ortiz, ilan sa mga kliyente ng suspek ay mga artista.

“Isa sa mga parokyano niya mga celebrities. Marami tayong namonitor pero ‘yung naconfirm talaga natin based on text messages we extracted from his (Pasion) cellphone, dalawang artista,” dagdag pa ni Ortiz.

Panoorin ang ulat ng GMA News.

Source: INQ | INQ | MSN | GMA | Allan Gatus |

Leave a Reply