Local News

Watch! Piyansa ni Rappler CEO Maria Ressa, HINDI TINANGGAP ng Korte!

Kung noong Disyembre 2018 ay nagkapag piyansa si Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa sa kasong tax evasion, ngayon ay minalas ito matapos tanggihan ng Pasay night court ang paghahain niya ng piyansa sa kasong cyber libel. Ang cyber libel ay tungkol sa artikulo ng Rappler sa isang negosyante noong 2012. Base sa nasabing artikulo ng Rappler, ang businessman na si Wilfredo Keng ay iniuugnay sa human trafficking at drug smuggling. Ipinagagamit din daw ng naturang businessman ang kanyang sasakyan sa dating Punong Mahistrado Renato Corona.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, magdamag daw na mananatili sa cybercrime division ng National Bureau of Investigation (NBI) si Ressa.

Ito po ang kopya ng arrest warrant ni Ressa.

Sa isang pahayag, tinawag ni Ressa na isang paglapastangan sa hustisya ang nangyaring pag-aresto sa kanya.

“We will file an MR (motion for reconsideration) because the case is ridiculous and the fact that they issued an arrest warrant is a travesty of justice. This is something that journalists of the Philippines now have to go through,” sabi ni Ressa.

Ang warrant of arrest laban kay Ressa ay inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 46 ni Judge Rainelda Estacio-Montesa. Nitong hapon ay nagtungo ang mga tauhan ng NBI sa mismong opisina ng news online site na Rappler para arestuhin si Ressa.

Panoorin ang video mula sa CNN Philippines kung saan makikita ang pagsama ng Ressa sa mga tauhan ng NBI.

Sa panayam kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo. sinabi nito na walang koneksyon sa press freddom ang nangyaring pag-aresto kay Ressa.

“I said that has nothing to do with freedom of expression or freedom of the press. The past administrations regardless of who commits any crime, she or he will be charged in a court of law… They’re making a fuss about anything they perceive to be wrong. A warrant of arrest can be issued on a weekday. The only prohibition is you issue a warrant on a weekend and that will not give the respondent an opportunity to file bail. [The arrest] was on a weekday so what’s the complaint… Unfortunately, the judge refused to accept the bail despite having the power to do so under Rule 114 Section 17 of the Rules of Court,” sabi ni Ressa.

Source: ABS-CBN| GMA | ANC | ABS-CBN

Leave a Reply