Local News

Watch! Raffy Tulfo, Sumagot na sa mga Paratang ni Mystica! “Baka Lumala pa ang Karamdaman”

Sa isang video, sinagot ni TV/Radio host Raffy Tulfo ang mga paratang ni Mystica na hindi umano niya binigyan ng sapat na airtime sa kanyang programa ang singer/actress at kinontrol at minanipula umano niya si Mystica sa kanyang programa. Para sa kaalaman ng lahat, nagsimula ang isyu na ito nang magtungo si Mystica sa programa ni Tulfo para isumbong ang mga nakaalitan niyang mga pro-government bloggers na sina Niño Barzaga at Drew Olivar.

“Nito pong weekend, marami pong kumalat na mga videos sa social media kung saan si Mystica raw ay hindi masaya sa naging resulta ng kanyang paglapit sa amin noong nakaraan linggo. Kung mapapansin niyo po, ito (mic) ay off air. Ako po ay naka-lapel (mic) ng sa ganoon ay hindi na po masayang ang airtime ng wanted sa radyo para sa araw na ito ang bawat minuto ay mailalaan para sa mga taong talagang nangangailangan ng tulong. Anyway, agad ko pong binigyan ng instructions ang reporter na nakatutok sa kaso ni Mystica na stop na ang lahat ng action na gagawin niya para kay Mystica. Pinul-out ko na po siya sa kaso. Ibig sabihin, Mystica is own her own sa kanyang away Niño Barzaga at Drew Olivar,” sabi ni Tulfo.

Ayon pa kay Tulfo, naaawa daw siya sa kalagayan ni Mystica. Malaki daw ang problema ng singer/entertainer sa sarili at malala na daw ang pinagdadaaanan nito. Nangangailangan din daw ito ng propesyunal na tulong sa aspetong medikal.

Ito po ang video na tinutukoy ni Mr. Raffy Tulfo.

Basahin ang naging reaksyon ng mga tao sa naging pahayag ni TUlfo tungkol kay Mystica.

Source: Raffy Tulfo in Action

Leave a Reply

Theme by Anders Norén