Local News

Watch! Rider, Humagulgol Matapos Mabiktima ng Fake Booking!

Wala ng nagawa ang isang rider kundi humagulgol mataqpos makatanggap ng fake booking. Mabuti na lang at tinukungan siya ng mga kapwa rider niya mula sa Grab.

Ibinahagi ng Grab food delivery rider na si Paulino Baro Collo Jr, ang video kung saan ang isang ANgkas rider ay umiiyak nang malalaman nito na ang order sa kaniya ay peke.

“P.. ina ng mga iyon… Nagtatrabaho ako ng maayos eh!” sabi ng Angkas rider.

Sinubukan ni Collo at ng mga kasamahan nito na pakalmahin ang Angkas Rider sa pamamagitan ng pag-aalok na bilhin na lang ang pagkain nagkakahalaga ng 599.

“#fakebooking Nagyari ‘to last April 3, 2021 at 1:40 amKawawa naman si kuya, buti na lang napakiusapan namin yung crew para maisoli yung pagkaen at marefund yung pera ni kuya. Makonsensya naman sana yung mga nagfe-fakebooking dyan. Inaabot kami ng madaling araw para kumita para sa pamilya at makapagserbisyo, wag nyo naman sana kaming pagtripan.” sabi ni Collo.

Kalaunan ay kinausap na lang nila ang crew mula sa fast food na maibalik ang order ng Angkas Rider, ito ay pinagbigyan naman ng restaurant.

Nanawagan din si Collo sa mga nasa likod ng fake bookings na tigilan na ang [anloloko sa mga delivery riders dahil nagtatrabaho sila para sa kanilang pamilya.

“Makonsensya naman sana yung mga nagfe-fake booking dyan. Inaabot kami ng madaling araw para kumita para sa pamilya at makapagserbisyo. ‘Wag niyo naman sana kaming pagtripan… Nakakaawa po dahil alam ko yung hirap na pinagdaanan niya sa buong maghapon,” sabi ni Collo.

Ang mga fake bookings na ito ay maaaring maiwasan kung mayroon lang batas para i-rehistro ang mga SIM cars.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén